Monday, August 4, 2014

Homesick si Kabayan

"HOMESICK" defined in the Free Dictionary as  depressed or melancholy at being away from home and family .Ito ang pangunahing sagabal sa karamihan sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga first timer na mangibang-bansa at ang destinasyon pa ay sa bansang kinakatakutan at maraming bawal, ang Saudi Arabia. What would you feel if ganito ang sitwasyon mo :

      ...Accommodation to workplace... factory to accommodation... a daily routine ng isang regular factory worker. Huh!! what a boring life , nakakapagod  at ang hirap!!! Yan ang maririnig at hinagpis ni Kabayan once napagsawaan na ang ganitong sistema at kalakaran. Pero sa kabila ng lahat patuloy pa rin tayong pumapasok sa ating mga trabaho because we are obliged ,we have a goal and most of all, we have a dream. Pangarap para sa ating pamilya na mabigyan sila ng magandang buhay at makatulong para makaahon sa kahirapan. Sa pagsusumikap nating magtrabaho araw-araw, sometimes we forgot to take good care of ourselves kaya minsan ito'y nauuwi sa pagkakaroon ng sakit, o kaya naman sa sobrang pagod natin pag -uwi ng akomodasyon hinahanap-hanap natin ang kalinga ng mga mahal natin sa buhay at sa puntong ito ang pakiramdam natin ay nag-iisa lang tayo. Kadalasan sa ating mga kababayan ay humahanap ng libangan o pagkakaabalahan. And sad to say, na may iba sa atin ay umaabot pa sa point na naghahanap ng makakasama sa buhay even they are already committed sa Pilipinas at heto pa, nakakalimot na sa kanyang obligasyon sa kanyang pamilyang naiwan 
( Opppss.. !!!this is another topic , heheh .). It is maybe recommendable and acceptable if your still single. Please bear in mind and please stick to the norms of morality (Serious.. Boom panes!!). Anyway, I will suggest this link  and maybe ....maybe can help us to relieve homesick  http://www.wikihow.com/Deal-With-Homesickness .

         
 Thanks God and thanks to technology!! kasi dahil dito naiibsan at nababawasan ang ating kalungkutan at pangungulila sa ating mga minamahal. Nowadays we are well-connected to our loved ones via Facebook, Skype, Twitter, Tango, Whatsapp, Viber ,Yahoo and many other applications that offer chatting/messaging,voice calling and a face-to-face videocalling. We can easily access to the latest news via google and thru internet.We can also watch movies from thousand of sites such as Wactch32.com, Movietube and so on at pahuhuli pa ba ang paborito ng Pinoy , ang videoke singing na usually over Youtube lang oks na oks na!!  We are also engaged on gadgets such as laptops, android phones, digicam, etc that truly provides pleasure, entertainment and happiness sa bawat pusong nagdurusa at naghahanap ng kalinga. Minsan nga nangungutang pa tayo sa kasamahan natin para makabili agad ng mga ganitong gamit, lalung -lalo na kung nakasale ito sa mga Phone and Laptop Shopping Centers. Walang masama kasi in good purpose naman ang pangungutang natin. Tama po ba?

          Ikaw kabayan, which do you prefer : Mangungutang ka ba for the sake of gadgets  na pwede mong gamitin para makakonekta ka sa pamilya mong naiwan sa Pilipinas  or Pipiliin mong magpadala ng magpadala at hahayaan mong labanan ang iyong nararamdamang Homesick?


No comments:

Post a Comment